Products and Services
Mga Plano:
Click plans
for more
details.
*(1) Maaring maging kasapi ang wala pang isang taong gulang hanggang 54 taong gulang.
*(2) Ang seguro sa buhay sa edad 0-17 ay 10,000, pagtuntong ng 18 taong gulang,ayon sa takda sa itaas.
*(3) Ang 'SP' o Single Premium ang ibig sabihin ay minsanang hulog lamang.
Frequently Asked Questions
Association:
1. Ano ang kahulugan ng Praxis Fides?
→ Ang “praxis” ay nangangahulugan ng “kilos” o “gawa”; ang “fides,” ng “pananampalataya.” Mga salitang latin ang mga ito.
​
2. Ang Praxis Fides ba ay kooperatiba?
→ Hindi po. Ang mga salitang “Mutual Benefit Association” ang nagbibigay ng katangian sa Samahan. Ang MBA ay isang uri ng korporasyon na nasa ilalim ng regulasyon ng Insurance Commission. Katulad ng koop, ang mga kasapi ang
may-ari, ngunit kaiba ng koop ang MBA ay may taglay na seguro sa buhay.
​
3. Gaano kalaki at gaano katatag ang Praxis Fides MBAI?
→ Nang ipagdiwang ang ika-20 taon ng Samahan noong 2007, ang mga kasapi ay bumibilang ng mga 20,000 at ang pinagsamang yaman naman ay nasa mga P200M. Noong gitnang 2010 ang mga pigura ay 34,000 at P300M. Walang reklamong lumitaw sa buong panahon ng buhay ng Samahan na sapat magbigay ng dahilan upang kwestiyunin ang magandang kaayusan nito.
​
4. Ano ang maganda sa Praxis Fides, sa ilang maiikling pangungusap?
→ Nabibigyan ang kasapi na magkaroon ng sapilitang ipon. Ang ipon ay napakikita nang maganda. May di-kamahalang seguro-sa-buhay. May madaling nauutangan sa panahon ng pangangailangan. At ang mga kasapi ay nabibigyan ng pagkakataon na paunlarin ang kanilang mga pantaong-yaman at pakikilahok sa buhay-komunidad.
​
5. Paano ilalarawan ng organisasyon ng Praxis Fides?
→ Ang Pangkalahatang Kapulungan o General Assembly na binubuo ng 50%+1 ng lahat ng kasapi (o kanilang kinatawan o proxy) ang may hawak ng pinakamataas na kapangyarihan. Ang tauang pulong nito ay tuwing ika-3 Sabado ng Pebrero. Ang Patnugutan o Board of Trustees, na binubuo ng pitong (7) katao ay halal ng Pangkalahatamg Kapulungan at nananagutan dito. Mayroon namang Pangasiwaan, pinangungunahan ng General Manager, na hinirang ng Patnugutan at dito nananagutan. Mayroon ding mga Area Coordinators (ACs) sa lugar-lugar, katuwang ang kanilang mga Area Representatives (ARs), na mga kamanggagawa at nananagutan sa Pangasiwaan, na silang tuwirang nagsisilbing daluyan ng ugnayan sa mga kasapi.
Membership:
1. Naka insured po ba ang pera dito sa ating samahan?
→ Hindi po. Hindi nagde-deposito sa Praxis Fides. Ang binibili ay plano, na may mga kaukulang benepisyo.
​
2. Kung sakali po bang mahinto ako ng paghuhulog nang ilang taon, may insurance pa rin po ba ako?
→ Hangga’t merong equity na mapagkukunan ng hulog para sa isang buong buwan, patuloy ang insurance; ito’y tinatawag na contribution loan (CL). Sa sandaling hindi na kakasya ang equity para sa isang-buwang hulog, natatapos na rin ang seguro. Nguni’t bakit naman pababayaang mangyari ang ganito?
​
3. Ano po ang equity?
→ Ang kontribusyon, matapos awasan ng 10%(SP)-20% para sa Operating Expense, depende sa plano, para sa Insurance Policy, hanggang 22.5% depende sa plano, 5% naman para sa Guarantee Fund, at 2.5% para sa Free and Unassigned Surplus na pera din ng member ngunit hindi isinasama sa pinatutubuan bawat taon, ay natitiran ng tinatawag na net contribution. Ito ang panimulang equity; lumalaki ito sa pamamagitan ng bagong net contribution.
​
4. Pagdating po ba ng edad 60 ay mayroon pa bang insurance?
→ Depende. Ang seguro ay nagtatapos sa maturity ng plano o pagdating ng edad 65, kung alin ang mauna.
​
5. Kung sakaling hindi matapos ang paghuhulog, maire-refund ba ito?
→ Mayroong makukuha, kailanman at gustong mag-withdraw, pero hindi ito refund. Ang halaga ay maaaring mas maliit o mas malaki kaysa inihulog, depende sa tagal na itinakbo ng plano.
​
6. May bawas ba ang pera na naihulog kapag umayaw na ang member?
→ May binabawas, gaya ng sagot sa bilang 3. Ngunit ang equity ay patuloy na lumalaki. Gaya ng sagot sa bilang 5, kung aayaw ang kasapi at bata pa lang ang plano, mas maliit ang makukuha kaysa hulog. Kapag hindi pa matured ang plano, may withdrawal fee na P200 , o 1.5% ng surrender value, kung ito ay higit pa sa P13,333.
​
7. Kapag nag-matured na po ba ang plano at hindi kinuha, kikita pa ba ang equity?
→ Hindi na ito kikita, wala na rin ang seguro ng miyembro at di na rin pwede ang pag-utang(maliban kung may ibang planong aktibo, na siyang magiging batayan ng mga nabanggit).
​
8. Maaari bang apurahin at bilisan ang paghuhulog?
→ Ang mas maagang paghuhulog ay nakapagbibigay ng mas mataas na kita. Ang palaktaw-laktaw o maraming liban na paghuhulog ay nakapagpapaliit ng kita, na tinutuos tuwing katapusan ng taon. Alalahanin ding lahat ng hulugang plano ay may katumbas na minsanang-bayad (single premium), kung saan makamemenos nang malaki ang isang kasapi.
​
9. Ang pagbili ba ng plano sa PF ay matatawag na pag-iipon?
→ Mas maganda pa, ito’y paraan ng “sapilitang pag-iipon.” Obligado ang kasapi ng magtabi ng kaukulang halaga buwan-buwan, o sa simulang simula pa lang (tulad ng single premium). Ito’y halagang di na niya dapat ginagalaw hanggang sa mahinog ang kanyang plano. (Ngunit maaari pa ring umutang kontra equity o cash-surrender value ng plano.)
​
10. Alin ang mas maganda, mag-ipon sa bangko o sa Praxis?
→ Sa bangko, kung savings rate, ito’y katumbas lamang ng mga 1% bawat taon, aawasan pa ang kita nito ng 20% withholding tax. Sa Praxis, medyo mas mataas ang ating rate(8% ng 2017).Ang aktual na kinikita sa taun-taon ang basehan ng ibinibigay na pakita o earning rate.
​
11. Mayroong mga kasaping kumalas pagkatapos ng ilang taon lamang, halimbawa’y tatlong (3) taon; bakit mas maliit pa ang naging halaga ng kanilang pera kaysa kanilang naihulog? Ito ba ay tama?
→ Tama po. Sapagkat sa hulog kinukuha ang bahagi ng pangggugol ng Samahan (20%), at sa hulog din nagmumula ang probisyon sa seguro-sa-buhay. Kung ang plano ay P100/buwan, ang natitirang halaga ng hulog ay P50 lamang. Tandaaan lamang na ang makukulekta naman sa seguro, kung ganito ang mangyayari, ay P30,000 (sa planong P100) - at ito’y dagdag pa sa inabot na halaga ng salapi.
​
12. Tungkol sa seguro, ano ang ibig sabihin ng “contestability period”?
→ Bago ang lahat, ang dinadala ng Samahan ay seguro sa buhay lamang. At ito ay lagi nang taglay ng planong binibili ng kasapi. Ngayon, dahil sa hindi na tayo gumagamit ng eksameng medikal, ang tanging pinanghahawakan natin ay ang “health statement” sa panahon ng aplikasyon. Kung mayroong kasaping mamamatay dahilan sa sakit, maaaring kontestahin ng Samahan ang pagbabayad ng seguro kailanma’t may makikitang ebidensiya na mayroon nang sakit ang kasapi bago pa man siya sumapi. Sa ganitong usapan, lumilitaw na nagtago ng impormasyon ang kasapi at hindi siya naging matapat sa kanyang deklarasyon.
​
13. Maaari bang bumili nang higit sa isang (1) plano?
→ Maaari po. Ngunit ang pinakamalaking halaga ng seguro sa bawat isang buhay ay hanggang P200,000 lamang. Sa mga menor-de-edad naman ay hindi na pwede dahil ang kanilang seguro-sa-buhay ay P10,000 lamang.
Loan:
1. Nagpapautang ba ang Praxis Fides MBAI?
→ Nagpapautang ang Praxis Fides sa mga kasapi lamang. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng samahan.
​
2. Ano ang “Equity Loan” o “Certificate Loan”?
→ Ito ang uri ng pautang na ang panagot o seguridad ay equity (net contribution) ng kasapi. Ito rin ay karaniwang tinatawag ngayong express loan dahil mabilis na transaksyon ito, maaaring hintayin at makuha ng aplikante ang tseke sa loob lamang ng kalahating oras.
​
3. Ano naman ang “Collateral Loan”?
→ Ito ang utang na nangangailangan ng prenda (kolateral) sapagkat hindi kasyang ipanagot ang equity.
​
4. Ano ang kolateral o prendang tinatanggap sa Praxis Fides?
→ Clean Title lamang ang tinatanggap, titulo na walang anumang encumbrance o tatak.
​
5. Gaanong halaga ang kayang sagutan ng prenda o kolateral?
→ Kung ang lupa ay “residential” 50% ng market value ang halagang mauutang; kung “agricultural” o bukid, 40% ng market value.
​
6. Anu-ano pa ang mga dokumentong dapat ihanda para sa utang na may kolateral?
→ Titulo (TCT), resibo ng kabayaran ng buwis sa lupa (amelyar), litrato ng umuutang at/o may-ari ng lupa, SPA kung iba sa umuutang ang may-ari ng lupa, location plan, vicinity map, atbp.
​
→Titulo(TCT), Certified True Copy mula sa RD, Tax Dec, Tax OR, Tax Clerance, Location Map may Vicinity Map, 2x2 picture at 2 valid IDs ng kasapi at may-ari ng titulo.
→ Mga katibayan ng kinikita. Kung ang halaga ng utang ay P200,000 pataas, hinihingi ang ITR o Income Tax Return, o kaya ay F/S (financial statements). Lagi ring hinihingi ang kopya ng mga deposito sa bangko, at listahan man lamang ng mga transaksyong pangnegosyo. Sa anu’t ano man dapat na maipakita ng nangungutang na kayang bayaran ng kanyang popondohang negosyo ang kanyang utang.
​
8. Makakautang ba ng mas malaki sa equity ng walang kolateral?
→ Hindi maari, kailangan po ng kolateral kung mas malaking halaga sa equity ang kakailanganin.
​
9. Mayroon bang ‘Character Loan’ sa Praxis Fides?
→ Wala po. Lahat ng utang sa Samahan ay may katumbas na panagot (seguridad o security), na maaaring equity o kolateral.
​
10. Masasabi bang karapatan ng isang kasapi ang pangungutang?
→ Hindi po. Ang pangungutang ay isang pribilehiyo, na nakabatay sa kakayahang magbayad at nakabatay pa rin sa pagkakaroon o ‘availability’ ng pondo para sa pautang.
​
11. Bakit hindi nauutang ang 100% ng equity?
→ Ito’y sapagkat dapat paglaanan ang tubo o interes, at dapat ding paglaanan kung sakaling magkaroon ng libay na hulog ang kasapi at kailangang pairalin ang contribution loan, Kaya’t 80% lamang (kung pang-isang taon) o 90% (kung pang-anim buwan) ng equity ang nauutang.
​
12. Maari bang magbayad sa bangko?
→ Opo, ngunit doon lamang sa mga bangko na mayroong account ang Praxis Fides. (Makipag-alam sa tanggapan.)
​
13. Maari bang mag-loan kahit di pa tapos ang limang taong paghuhulog?
→ Maaari nang mag loan kapag umabot na sa 1,000 pesos na ang iyong equity.
Praxis Fides MBAI Main Office
#35 Paseo Del Congreso, Catmon, City of Malolos, Bulacan
Cellphone: 0917-504-6222/0922-803-2970
Telephone: (044) 791-3558
Gmail: praxisfidesmbai@gmail.com
Praxis Fides FB Account
SAVINGS.INSURANCE.LOANS